Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang mga empleyado ng Bacnotan LGU kasama ang mga kabataan sa Quirino – Galongen Surfing Site bilang bahagi ng “Bacnotan, La Union Surf Break 2023” nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2023.
Bukod sa pagiging surfing site, mayaman din sa aquatic resources ang nasabing lugar at malaking tulong ang mga mangrove tree para maiwasan ang erosion at mapanatili ang pagpaparami ng likas na yaman sa Quirino- Galongen surfing site.
Ang Mangrove Tree Planting Activity ay bahagi ng kauna-unahang dalawang araw na Eco Bootcamp ng Bacnotan, La Union Surf Break 2023 kung saan nilahukan ito ng mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng Bacnotan.
Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa munisipalidad ng Bacnotan na patuloy silang magsasagawa ng mga aktibidad kung saan sentro ang mga kabataan upang mahasa pa ang kanilang mga kakayahan.
Source: Bacnotan, La Union