Nakiisa ang mga miyembro ng Community Environment and Natural Resources Office sa isinagawang pagmonitor sa ilegal na pagkuha ng mga buhangin at graba sa Ibulao River, Poblacion South, Lagawe, Ifugao nito lamang ika-25 ng Oktubre 2023.
Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan ng Lagawe PNP, Provincial Mining Regulatory Board-Technical Working Group, Environmental Management Bureau, Mines and Geosciences Bureau, PENRO, at PLGU.
Ang nasabing grupo ay nagtungo sa naturang lugar upang mag-inspeksyon at magpaalala sa mga residente na malapit sa ilog na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga buhangin at graba sa tabi ng ilog nang walang permit.
Paalala rin ng Lagawe PNP na ang mga mahuhuling lumabag sa pagkuha ng buhangin at graba ay may kaakibat na kaukulang parusa.