Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 34th National Statistics Month, nagsagawa ng Coastal Clean-up at Tree Planting ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Brgy. Bulanos at Brgy. Sulvec sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur noong ika-21 ng Oktubre 2023.
Personal na dinaluhan at nilahukan ni Narvacan Mayor Pablito Sanidad ang aktibidad at kasama sa mga nakilahok ang mga tauhan mula Department of Education, mga miyembro ng Narvacan Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya pati na rin ang mga residente ng nasabing bayan.
Ang pagdiriwang ng National Statistics Month ay may temang “Accelerating Progress: Promoting Data and Statistics for Healthy Philippines.
Bukod sa paglilinis ng dalampasigan, nagtanim din ang mga kalahok ng mga puno ng niyog sa dalampasigan ng dalawang barangay. Pagkatapos ng mga aktibidad ay kinilala at nagpasalamat si Mayor Sanidad sa inisyatibo na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur
Panulat ni Malayang Kaisipan