Matapos ang higit tatlong taong pagkakasara nito dahil sa COVID-19 pandemic, muling binuksan ng Protected Area Management Board o PAMB sa mga turista ang Callao Cave sa bayan ng PeƱablanca.
Soft opening palang ang ginawa nitong Oktubre 16, 2023, paraan ng PAMB na maipalaganap ang impormasyong pagtanggap muli ng mga bisita ng itinuturing na pinakaunang flagship tourism destination ng Cagayan.
Ang grand opening ay sa Oktubre 28, kung saan inaasahang magpapasigla muli ng tourism industry sa naturang bayan.
Ngayon palang ay nagpapasalamat na ang mga tour guide maging ng boat operators sa lugar sa pagbubukas ng Callao dahil sa pangkabuhayan na handog nito sa kanila.
Ilan lamang sa mga aktibidad sa loob ng PeƱablanca Protected Landscape and Seascape (PPLS) na pwedeng i-enjoy ng mga turista ay caving, swimming, kayaking, boating, trekking, camping at marami pang iba.
Source: Radio Pilipinas Tuguegarao