Idinaos ng DENR Ilocos Region ang opening program ng NIPAS Marine Protected Areas Capacity Building Program (NIMCAP) Workshop on Damage Assessment, Response, Restoration, Rehabilitation & Monitoring of Natural Resources (DARMM) sa Bolinao, Pangasinan.
Ang programa ay dinaluhan ng mga national mentor, resource speaker, at mga kalahok mula sa Rehiyon 1, 2, 3, 4A, at NCR nito lamang Oktubre 16, 2023.
Kasama din dumalo sa pagbubukas ng programa si DENR-1 Regional Executive Director, Atty. Crizaldy M. Barcelo, ARD para sa mga Serbisyong Teknikal, For Felix C. Taguba, PENRO Officer ng Pangasinan, For Raymond Rivera, CENRO Officer of Western Pangasinan, Dr. Chester Casil, at ang panauhing pandangal, Sangguniang Bayan Secretary Atty. Juan Ayar Montemayor, na kinatawan ni Mayor Alfonso F. Celeste ng Bolinao.
Ang workshop na tatakbo mula Oktubre 16-20, 2023 na naglalayon na paghusayin ang mga kapasidad ng mga Marine Protected Areas management implementers sa pagtatasa ng mga pinsala sa likas na yaman na dulot ng mga sakuna tulad ng oil spill at ship grounding.
Source: DENR – Ilocos Region