Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ni Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ay nagsagawa ng pagpupulong sa mga media members ng Region 2 para sa Media Welfare program noong ika-12 ng Oktubre 2023.
Ang naturang programa ay isa sa mga prayoridad ni President Ferdinand Marcos Jr. na mapaigting ang kritikal na suporta sa media members na kumakaharap sa krisis.
Sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ang mga media members ay masusuportahan sa kanilang hospitalization, gamot at iba pang suporta.
Saad pa ni Usec. Punay, “Alam namin na tayo sa media lalo na sa regional, kapag may kamag-anak tayo o tayo mismo ay na-ospital, hirap na hirap tayo dahil hindi naman gaanong kalaki ang ating sinasahod. Ito ang pag-Kalinga na ibibigay ng administrasyon sa media industry. Sa papamagitan ng programang ito, nandito po ang DSWD para kayo ay tulungan.”
Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan sa katiyakan ng mga pangangailangan ng mga media partners, pagkilala sa katungkulan ng media bilang katuwang sa nation-building at tagataguyod sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.
Samantala, ang Chief of the Media Welfare Unit Mr Peter Paul ay tinalakay naman ang Media Welfare Project at tiniyak sa mga media sector na makikinabang sila sa pagsusumikap na ito.
“That is why we encourage the press clubs in the region to personally coordinate with us, in order for us to cater to their needs. Our unit is open for every media practitioner,” dagdag pa niya.
13 media partners ang kumatawan sa bawat Press Club na dumalo sa naturang aktibidad.