Pangasinan – Dinaluhan ng Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars ng Lungsod ng Alaminos sa Pangasinan ang “Monsoon Diseases Prevention and Disease Surveillance Symposium” na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center, City of Alaminos, Pangasinan, nito lamang ika-30 ng Setyembre 2023.
Pangunahing paksa ng aktibidad kung papaano maaksyunan, maagapan at mamonitor sa pamamagitan ng Disease Surveillance ang mga iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha tuwing wet and dry season gaya ng dengue, influenza, leptospirosis, cholera, at iba pa.
Buo naman ang suporta ng butihing alkade na si Arth Bryan C. Celeste na nagpaabot ng kanyang mensahe ng inspirasyon sa pamamagitan ni City Councilor Arthur C. Celeste Jr. sa mga masigasig at mga bayani ng barangay na mga BHW at BNS.
Nakibahagi din si OIC District Nurse Supervisor, Mark Jethro Lim ng Western Pangasinan District Hospital (WPDH).
Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Lungsod ng Alaminos na patuloy nilang paglilingkuran ang kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas gumanda ang pamumuhay ng mga ito.