Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project para sa mga residente ng Barangay Malabanias, Angeles City nito lamang Martes, ika-26 ng Setyembre 2023.
Ang proyektong ito ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City kung saan kinokolekta ang mga recyclables plastik sa mga residente at papalitan ito ng bigas.
Ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.
Ayon kay IC Calaguas, Chief Adviser ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ang mga kinolektang plastik ay gagawin itong ladrilyo na magagamit rin ng naturang lungsod.
Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan ng lungsod sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik.