23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Ikalawang batch ng rice retailers, nakatanggap ng Economic Relief Subsidy (ERS)

Tumanggap ang ikalawang batch ng mga rice retailers sa probinsya ng Nueva Vizcaya ng Economic Relief Subsidy (ERS) mula sa gobyerno nito lamang ika-23 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ni Ginang Rowena Mayangat, Officer-In-Charge ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pamamahagi ng Economic Relief Subsidy (ERS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at DTI.

Umabot naman sa 287 Micro Rice Retailers (MRRs) ang nakatanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php15,000 mula sa bayan ng Bambang, Bayombong, Solano, Ambaguio, Bagabag, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Aritao, Sta. Fe, Villaverde, Quezon at Diadi.

Sa umiiral na EO 39 nakasaad dito na ang Regular Well Milled Rice ay nasa Php41 kada kilo, habang ang Well Milled Rice ay ibinebenta sa halagang Php45 kada kilo.

Ang patuloy na probisyon ng ERS para sa mga retailer ng bigas ay dumating pa mula noong nakaraang linggo upang tulungan ang pagkalugi ng mga retailer ng bigas hinggil sa pagpapatupad ng Mandatory Rice Price Ceiling sa bansa na nakapaloob sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Source: PIA Nueva Vizcaya

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles