23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Bangkay ng Amasonang NPA na iniwan ng mga kasamahan sa lalawigan ng Cagayan, inilibing na

Nabigyan ng disenteng lamay at libing si alyas “Michelle” matapos pinabayaan ng mga kasamang miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan sa ilalim Komiteng Rehiyon Cagayan Valley.

Dahil sa tulong ng Provincial Government ng Cagayan, PTF-ELCAC, LGU Rizal, Office of Congressional District 2, NCIP, DSWD, LGU Lasam, 5CMO Battalion Bravo Company, kasundaluhan ng 17IB at mga kapulisan ng RMFB ay nailibing ng maayos si alyas Michelle sa Barangay Peru, Lasam, Cagayan noong Setyembre 23, 2023.

Labis ang pagdadalamhati at hinagpis ng mga kaanak ng nasabing dating NPA na kung saan nagsagawa rin sila ng candle lighting, pagsunog sa bandila ng teroristang NPA at Peace Rally para kondenahin ang hindi makataong gawain at mga karahasan ng mga teroristang grupong NPA.

Labis naman ang pasasalamat ng mga kaanak sa mga tumulong sa isinagawang lamay at libing ni Ka Michelle. Ayon kay Yolanda Agate, kapitana ng tribong Agta ay nagpapasalamat siya sa mga tulong lalo na sa kasundaluhan, kapulisan at mga lokal na pamahalaan ng Cagayan, nawa’y wala ng tutulad pa sa nangyari at huwag nang magpalinlang sa mga teroristang grupong NPA.

Source: 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles