14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Isang centenarian, nakatanggap ng 100K incentive mula sa DSWD

Tumanggap ang isang centenarian ng Php100,000 halaga mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tabuk City, Kalinga nito lamang Setyembre 20, 2023.

Kinilala ang mapalad na sentenaryo na si Alipio Bisoy, residente ng Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga na napag-alamang isinilang noong Marso 15, 1922.

Si Bisoy ang ikalimang sentenaryo na pinarangalan ngayong taon at nakatakda ring makatanggap ng Php50,000 mula sa lungsod at Php50,000 mula sa pamahalaang panlalawigan anumang araw ngayong taon.

Ang sentenaryo ay orihinal na tubong Sabangan, Mountain Province subalit lumipat sa Tabuk para maghanap ng mas magandang buhay at bumuo ng sariling pamilya.

Bagama’t hindi nakapag-aral si Bisoy, nagawa nitong tustusan ang kanyang apat na anak sa pamamagitan ng pagsasaka.

Ayon kay Bisoy, ang pagkain niya ay karamihan mga gulay at ito ang susi sa kanyang mahabang buhay.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang anak ang naturang centenarian kasama ang mga apo at dalawang apo sa tuhod.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles