18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Malawakang Anti-Rabies Vaccination, isinagawa ng Cagayan Provincial Veterinary Office

Isinagawa ng Cagayan Provincial Veterinary Office ang pagbabakuna sa siyam (9) na bayan sa Lalawigan ng Cagayan na kinabibilangan ng mga bayan ng Santo Niño, Iguig, Calamaniugan, Allacapan, Lallo, Amulung, Balleteros, Piat at Gattaran noong ika-22 ng Setyembre 2023.

Ang nasabing pagbabakuna ay pinamunuan ni Dr. Myka Ponce, Veterinarian II.

Umabot sa 4,386 na aso’t pusa ang nabigyan ng libreng bakuna kontra rabies na mula sa 2,414 na mga may ari ng alagang hayop.

Naging katuwang ng Provincial Veterinary Office ang ilang studyante ng Cagayan State University Veterinary Medicine, Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry.

Isinagawa ang pagbabakuna upang magkaroon ng proteksyon ang mga alagang hayop at maabot ang zero rabies sa Cagayan.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles