22.2 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Good Agricultural Practices Training, isinagawa sa San Fernando City, La Union

Higit 25 na magsasaka ang dumalo sa Good Agricultural Practices Training upang patatagin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka na ginanap sa Food Terminal, Barangay Biday nito lamang Martes, ika-19 ng Setyembre 2023.

Ang nasabing aktibidad ay nagnanais na malinang ang mga magsasaka sa pagpapatupad ng good agricultural practices at unti-unting pagbabago mula sa kanilang nakasanayang pagsasaka.

Bukod pa dito, nais din nitong makapagbigay ng mas maraming organikong produkto mula sa kanilang agricultural waste products at maparami ang bilang ng organic practitioners.

Bago matapos ang programa, Nagbahagi rin ng mga kaalaman ang tatlong Organic Practitioners mula sa Participatory Guarantee System (PGS) ng siyudad at mayroon ding guest speakers mula sa CHC Agritech.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng San Fernando City, La Union ay hindi magsasawang magbigay ng ganitong mga programa upang maging maginhawa ang kanilang pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles