15.5 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

280 katao, dumalo sa Goat Dispersal Program sa Alaminos

Nagsagawa ng Basic Orientation on Goat Production para sa 280 recipients ng Goat Dispersal Program sa Lungsod ng Alaminos, Pangasinan sa ilalim ng Gender and Development Fund nito lamang ika-15 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ni Dr. Ronaldo Abarra ng City Veterinary Office, katuwang ang City Agriculture Office at City Cooperative Office ang Basic Orientation on Goat Production.

Tinalakay dito ang wastong hakbang sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga kambing, mga paraan upang maiwasan ang sakit na maaaring dumapo sa mga ito, ganun din ang livestock indemnity na maaari nilang makuha sakaling ito’y mamamatay sa sakit o aksidente.

Layunin nitong matulungan ang mga backyard hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.

Source: Alaminos LGU

Panulat ni Manlalakbay

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles