Pinangunahan ng Governor ng Cagayan ang isinagawang inauguration at turn-over ceremony sa dalawang Senior High School Gymnasium sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Setyembre 13, 2023. Unang isinagawa ang turn-over ceremony sa Baggao National School of Arts and Trades (BNSAT) sa Barangay Dabbac Grande na sinundan sa Agaman National High School sa Brgy. Agaman Proper.Kaugnay dito, ipinarating ng dalawang paaralan ang kanilang labis na pasasalamat sa bagong gymnasium na ipinagkaloob ng Provincial Government of Cagayan (PGC).Ayon kay Evelyn Agron, Principal II ng BNSAT, ito na ang pangatlong pagkakataon na siya’y makasama sa pagtanggap sa mga gymnasium sa naturang bayan. Naghandog din ng sayaw at kanta ang mga guro ng mga nasabing paaralan bilang pasasalamat sa ama ng lalawigan sa bagong pasilidad na kanilang natanggap.Nabatid na ang dalawang bagong gymnasium ay napondohan ng mahigit anim na milyong piso.Ang mga naturang aktibidad ay dinaluhan ng unang Ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, School Division Superintendent Reynante Caliguiran, ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao, Consultant on Education ng PGC na si Claire Lunas, department heads at iba pang consultants ng kapitolyo.
Source: CPIO