19.1 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

Provincial Government ng Cagayan, nagtanim ng 1,000 Tree Seedlings

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Provincial Government ng Cagayan (PGC) katuwang ang “One Movement Inc.” sa Nassiping, Gattaran, Cagayan nito lamang Miyerkules, Setyembre 13, 2023.

Ang aktibidad ay bilang selebrasyon ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinangunahan ni Cagayan Governor Hon. Manuel Mamba at ni Ginoong Bernardo Paat ng One Movement bilang punong abala sa nasabing aktibidad.

Ito ay kasunod ng kanilang launching ng “One Movement One Million trees and Bamboos” kung saan nagsagawa ang mga ito ng simultaneous tree planting activity sa sampung probinsya sa bansa kasama na ang lalawigan ng Cagayan.

Kaugnay rito, labis ang pasasalamat ni Gov. Mamba sa naturang organisasyon dahil isa ang probinsya sa kanilang napiling pagdausan ng aktibidad.

Malaking tulong aniya ang mga ganitong programa dahil nagkakaisa ang iba’t ibang probinsya sa pagtatanim ng punong kahoy para protektahan ang kabundukan ng Sierra Madre.

Ang aktibidad ay dinaluhan din ni Unang Ginang Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator, Atty. Ma. Rosario Mamba-Villaflor, mga kapulisan, kasundaluhan, kinatawan mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), mga department heads, consultants at mga kawani ng kapitolyo.

Layon ng aktibidad na protektahan ang Sierra Madre Mountain range na nagsisilbing panangga ng lalawigan sa panahon ng kalamidad.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles