Pinasinayaan at pormal nang binuksan sa publiko ang pinakabagong atraksyon sa lungsod ng Baguio na tinaguriang “𝐒𝐡𝐚𝐧𝐮𝐦 𝐭𝐚𝐧 𝐁𝐞𝐥𝐛𝐞𝐥” (Reflection Pool) sa Upper Wright Park, Pacdal, Baguio City nito lamang ika-8 ng Setyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng butihing Mayor ng Lungsod ng Baguio, Hon. Benjamin Magalong kasama ang mga tauhan ng City Environment and Parks Management Office, mga kinatawan mula sa BCFI, PAGCOR, at iba’t ibang City Tourism stakeholders.
Ang “Shanum tan Belbel” ay isang ibaloi term na nangangahulugan ng kumbinasyon ng tubig at pinetree na sumasagisag sa magkatugmang interaksyon ng dalawang pangunahing elemento ng kalikasan.
Ito ay nagsisilbing paalala ng ating tungkulin na protektahan at pahalagahan ang sensitibong balanse sa pagitan ng mga mahahalagang bahagi ng ating ecosystem.
Ang bagong revitalized reflection pool na nagtatampok ng isang kaakit-akit na dancing fountain ay proyekto mula sa pagtutulungan at pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio, Bloomberry Cultural Foundation Inc. (BCFI), at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Mapapanood ang Water Fountain display tuwing Biyernes hanggang Linggo mula 7:00 PM-9:00 PM.