18.9 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

Loomweavers ng La Paz, nabigyan ng Livelihood Kits mula sa DTI

Nabigyan ng livelihood kits mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang humigit kumulang 80 loomweavers sa Barangay Bulbulala, La Paz, Abra nito lamang ika-8 ng Setyembre 2023.

Ang nasabing pamamahagi ng livelihood kits ay pinangunahan ng DTI sa pamumuno ni Regional Director Juliet Lucas, DTI – Abra OIC Director Marvin Arcangel, at La Paz Mayor JB Bernos na kinatawanan ni Municipal Administrator Perfecto Cardenas.

Ang livelihood kits ay binubuo ng mga weaving materials kung saan naipamahagi ito sa mga loomweavers na lubos na naapektuhan sa pagbaha noong kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Egay.

Ayon sa DTI, ang isinagawang pagtulong sa mga naapektuhang loomweavers ay bahagi ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa ng DTI na tumutulong sa mga lokal na negosyong tinamaan ng mga kalamidad upang makabangon sa kanilang pagkalugi.

Maliban dito, nangako naman ang DTI sa patuloy na suporta at Local Government Unit para sa pagpapaunlad ng industriya ng paghabi sa buong lalawigan.

Samantala, malugod namang pinasalamatan ni Barangay Kapitan Pedro Belisario ang gobyerno para sa patuloy na pagbibigay ng tulong at tiniyak niyang ang mga loomweavers ay makakabangon sa pagkalugi upang mapanatili ang tradisyon ng paghabi sa kanilang komunidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles