14.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Mahigit Php1M ang inisyal na halaga ng pinsala sa Livestock ng bagyong “Goring” sa Cagayan

Umaabot na ngayon sa Php1,431,350 ang inisyal na halaga ng pinsala sa livestock sa buong probinsya ng Cagayan dahil sa pananalasa ng bagyong “Goring” ayon sa pinakahuling datos ng Provincial Veterinary Office (PVET) nito lamang ika-30 ng Agosto 2023.

Base sa kalatas ng PVET, naapektuhan ang nasa 104 livestock raisers mula sa mga bayan ng Aparri, Baggao, Buguey, Camalaniugan, Enrile, Iguig, Piat, Solana, Sta. Teresita, Sto. Niño, at Tuao na nag-aalaga ng mga baboy, kalabaw, baka, kambing, tupa, manok, at pato.

Ayon sa PVET, ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga alagang hayop ng mga livestock raiser ay sanhi ng pagkalunod at hypothermia o dahil sa lamig.

Sa ngayon, patuloy na inaaral ng PVET ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kung ano ang maaaring maibigay na tulong sa mga apektadong livestock raiser.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles