23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

PGC namahagi ng inuming tubig sa mga biktima ng Bagyong Goring sa Alcala, Cagayan

Namahagi ang Provincial Government of Cagayan (PGC) ng mahigit 100 bote ng tubig sa Barangay Cabuluan sa bayan ng Alcala noong Martes, ika-29 ng Agosto 2023.

May kabuuang 111 bottles na may lamang 10 liters bawat bottle ang ibinigay ng PGC sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PSWD Officer Helen Donato.

Nabatid kay Donato na ipinamahagi ang mga tubig sa mga lumikas sa barangay Cabuluan sa bayan ng Alcala matapos humiling ng maiinom na tubig ang mga ito matapos bahain ang kanilang barangay dala ng bagyong Goring.

Kasama ang Task Force Lingkod Cagayan (TFLC), Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), at mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa mga tumulong sa pagbubuhat sa mga tubig para sa mga evacuee ng nasabing bayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles