18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

DTI at Ilocos Sur, inilunsad ang unang OTOP Hub sa Vigan City

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Vigan City, Ilocos Sur ang unang One Ilocos Sur One-Town-One-Product (OTOP) Hub sa lalawigan.

Ang One Ilocos Sur OTOP Hub na matatagpuan sa Ground Floor ng Provincial Farmers Livelihood, ay nagpapakita ng mga lokal na produkto tulad ng abel-iluko, handicrafts, ang kilalang Ilocos Sur Robusta na kape at mga produktong lokal na pagkain na nagmumula sa dalawang lungsod at tatlumpo’t – dalawang munisipalidad ng probinsya.

Sa mensahe ni Gov. Jeremias Singson, ang OTOP Hub sa Ilocos Sur ay magsisilbing Market Access Platform na siyang papalit sa kasalukuyang sentro ng pasalubong kung saan nakakabili ang mga turista ng lokal na produkto.

“Ang One Ilocos Sur OTOP Hub na ito ay maituturing na agresibong istratehiya ng lalawigan upang patuloy na magbigay ng promosyon sa merkado at para na rin bumuo ng mga bagong merkado para sa mga produkto ng ating mga Homegrown Manufacturers,” aniya.

Sinabi rin ni Gob. Singson na ang proyektong ito ng DTI at ng Lalawigan ay napapanahon at may kaugnayan sa ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng Ilocos Sur na patuloy pa rin sa pagharap sa masamang epekto ng COVID-19 pandemic at ng nakaraang 7.7 Magnitude na lindol at ang kamakailang pananalasa ng Super Typhoon “Egay.”

Source: Provincial Government of Ilocos Sur (PGIS)

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles