23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

DSWD FO2, patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Egay

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Egay ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) na naghatid ng tulong pinansyal para sa 533 na residente ng Barangay Fuga Island, Aparri, Cagayan.

Matatandaan na isa ang Fuga Island sa malubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Base sa talaan ng ahensya, 244 ang bilang ng mga indibidwal na tuluyang nasira ang tahanan o “totally damaged houses”. Samantala, nasa 289 naman ang bilang ng mga bahagyang nasiraan ng tahanan o “partially damaged houses”. Base dito, lahat o 100% ng mga apektado ang nabigyan ng pinansyal na tulong.

Tinatayang nasa Php6,189,750 ang kabuuang pinansyal na tulong na ipinamahagi ng ahensya.

Ang tulong pinansyal na ibinahagi ng ahensya ay mula sa programang Emergency Cash Transfer o ECT. Ito ay isang programa na naglalayong tulungan ang mga indibidwal at pamilya na nasalanta ng anumang kalamidad, tulad ng bagyo.

Ito rin ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Kalihim ng DSWD, Rex Gatchalian, kung saan inaatasan ang ahensya na agaran ang pag-abot ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Egay.

Kasabay ng nasabing pamamahagi ng tulong, nagsagawa rin ang kagawaran ng pagpupulong kasama ang mga opisyal ng barangay ng Fuga Island upang tukuyin kung anu-ano ang mga kinakailangan ng barangay upang makabangon muli mula sa pananalasa ng bagyo.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles