23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

903 BRO-Ed scholars, nakatanggap Php2.7M tulong pinansyal sa Angadanan

Nakatanggap ng Php2.7M ang 903 BRO-Ed scholars mula sa Angadanan bilang educational allowance at rice subsidy na nagkakahalaga ng Php2,741,000 noong ika-22 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Pahayag ni Governor Rodito T. Albano III na ang bilang ng scholars sa probinsya ng Isabela noong 2010 ay doble ngayong taon na may bilang na 34-36 thousand scholars.

“Noong 2010, 16,000 pa lamang ang bilang pero ngayon naging times two na. Nasa 34 to 36 thousand na ang scholars natin dito sa BRO at nagba-budget kami ng mga humigit kumulang na 200 milyon sa lalawigan ng Isabela. Gusto pa naming paramihin ito at palawigin. Kahit pa maging isang bilyon ang budget ng BRO para lang makita namin na makatapos ang mga kabataan sa lalawigan ng Isabela,” saad niya.

Hinimok din ni Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga scholars na mag-aral ng mabuti bilang kontribusyon sa nation-building para sa kinabukasan.

Samantala, si Angadanan Mayor Joel Panganiban ay nagpasalamat sa
Pamahalaang Panlalawigan sa walang sawang pagsuporta sa mga munisipalidad nito at pinaalalahanan ang mga scholars na gamitin lamang sa pag-aaral ang tulong pinansyal na natanggap.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles