18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

2 lalaki arestado; illegaly sawn pine lumbers, nakumpiska

Benguet – Arestado ng Benguet PNP ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong nagkakarga ng mga illegaly sawn pine lumbers sa Giwing, Caliking, Atok, Benguet nito lamang ika-22 ng Agosto 2023.

Ayon sa Benguet PNP, nagsagawa ng Anti-Illegal Logging Operation ang mga tauhan ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, Atok PNP at CENRO Buguias, nahuli sa akto ang paghahakot ng dalawang kalalakihan ng mga naturang kahoy.

Nang kanilang iberipika, walang maipakitang permit o dokumento ang mga lalaki kaya inaresto ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa mga suspek ang 245 pcs. ng 2x3x10 with total volume of 1,225 board feet na may market value na Php58,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 or Revised Forestry Code of the Philippines ang dalawang suspek habang patuloy ang panawagan ng mga awtoridad na huwag gumawa ng mga aktibidad na labag sa batas upang hindi humantong na malagay sa likod ng rehas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles