Tuloy-tuloy na umaarangkada ang Fumigation ng Angeles City Health Office sa iba’t ibang paaralan ng Angeles City nito lamang Linggo, ika-21 ng Agosto 2023.
Ang naturang operasyon na pinamunuan ni Honorable Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City katuwang ang City Health Office- Sanitation Division.
Binugahan ang mga bawat sulok at bahagi ng paaralan na kung saan naninirahan ang mga lamok na may dalang sakit na dengue.
Layunin nito ang maprotektahan ang mga bata laban sa mga lamok at maiwasan ang pagdami ng bilang ng nasabing sakit lalo na ngayong nalalapit na pasukan sa pampublikong paaralan sa nasabing siyudad.
Aniya ni Mayor Lazatin, “Kailangang matiyak ang kalusugan ng mga bata at guro at maiwasan ang dengue bago mag-umpisa ang pasukan”.