Nasa 55,170 indigent households ang napatunayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang mga potensyal na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa Ilocos Region.
Ayon kay Jaesem Ryan Gaces, DSWD Ilocos Regional Office 4Ps Information Officer, ang target na bilang ay ibinigay ng 4Ps National Program Management Office (NPMO) para maabot ang 4.4 million national target.
Ayon sa validation status report ng DSWD Ilocos regional office, sa kabuuang bilang, 47,142 ang nasa Pangasinan; 3,236 sa Ilocos Norte; 4,031 sa Ilocos Sur; at 761 sa La Union.
Kasalukuyang datos ng nasabing programa ay nasa 97.23 porsyento na ng 56,750 bilang ng target na numero para sa mga potensyal na benepisyaryo ng rehiyon.
Ibinigay ng DSWD central office ang target number para punan ang mga puwang ng mga sambayahan na nagtapos at nag-delist sa programa.
Ayon din sa DSWD na ang “Listahanan 3 database” ay maaaring magsilbing batayan para sa pagtukoy ng mga potensyal na benepisyaryo para sa mga programa at serbisyo sa proteksyong panlipunan, bilang isang mekanismo para sa pagpapatunay ng datos sa kahirapan.