Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na pinangunahan ni Lucia Alan, Regional Director ng Transformative Youth Camp Cum Team building event for Children and Youth Not Attending School (CYNAS) ng Cagayan at Isabela.
Ang aktibidad ay bahagi ng “Bata Balik Eskwela” Campaign Strategy, na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga kabataang benepisyaryo ng programa na kilalanin ang halaga ng edukasyon at pagandahin ang kanilang personal na paglago.
Nasa kabuuang anim napu’t anim (66) na kalahok mula sa Cagayan at Isabela.
Ayon sa mensahe ni Regional Director Lucia Alan, “Sa pamamagitan ng pagtutok sa edukasyon at personal na pag-unlad ng kabataan, ang kaganapang ito ay nag-aambag sa mas malawak na mga layunin ng programang 4Ps, pagpapaunlad ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa mga benepisyaryo at pagbigay ng pag-asa at adhikain sa loob ng komunidad. ”
Layunin ng aktibidad na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng 4Ps CYNAS at bigyan ng plataporma upang ipahayag ang kanilang mga pangarap, layunin, plano, at lagpasan ang hamon sa buhay.
Source: DSWD II