23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Php2M halaga ng ari-arian, natupok ng apoy sa Baguio City

Baguio City – Natupok ng apoy ang isang bahay sa No. 8 Lexber Heights, Camp 7, Baguio City nito lamang umaga ng Agosto 11, 2023.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Ginoong Larry Angeles, isang senior citizen, negosyante at kasalukuyang naninirahan sa naturang bahay habang nangungupahan naman ang isa ding negosyante na si Jennifer Benticen.

Base sa panayam kay Mrs. Benticen, napag-alaman na nagsimula ang apoy bandang 5:00 ng umaga mula sa attic ng kanilang inuupahang bahay at kalaunan ay kumalat sa buong bahay.

Samantala agad namang iniulat ni Mrs. Beniticen ang insidente at agad na rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kasama ang mga tauhan ng Baguio City Police Station 8 at mga tauhan ng Sunshine Fire Volunteers kung saan idineklarang fire-out ni Fire Inspector Victor Sayapen, BFP Baguio bandang 6:20 ng umaga.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng BFP Baguio, napag-alamang electrical short circuit ang sanhi ng sunog habang umabot sa tinatayang Php2,000,000 halaga ng pinsala sa nasabing insidente. Nanawagan naman ang mga awtoridad na maging alerto at mag-ingat upang hindi lamunin ng apoy ang ating bahay sa pamamagitan ng pagsisiguro na hindi naiwang nakasaksak ang mga appliances natin na hindi ginagamit lalo na kung walang naiwang tao sa loob ng bahay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles