Napuno ng kaalaman ang isinagawang 2-days Buntis Congress para sa mga soon-to-be moms sa lungsod ng Alaminos na ginanap sa Don Leopoldo Sison Convention Center.
Nagsimula ang programa nito lamang Agosto 11-12, 2023 ng City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ma. Victoria O. Carambas katuwang ang Pangasinan Medical Society – Western Pangasinan Chapter, Rotary Club of Hundred Islands, Taisho Pharmaceuticals, at Philippine Obstetrical and Gynecological Society – Northern Luzon.
Nagpaabot naman ng mensahe at pasasalamat si Mayor Arth Bryan C. Celeste sa mga participants at Resource Speakers sa pagbabahagi ng mga importanteng impormasyon patungkol sa Pre-natal at Post-natal Care, Complications of Pregnancy, Hygiene and Nutrition, Dental Care, Immunization, at Family Planning.
Ipinaabot din ni City Councilor Michelle S. Segundera ang kanyang paghikayat sa mga buntis na pangalagaan ang kanilang mga kalusugan para sa ligtas na pagbubuntis.
Bukod sa kaalaman tungo sa malusog at responsibleng pagbubuntis ay nabigyan din ang mga kalahok ng token, gatas, at hygiene kit.
Source LGU Alaminos
Panulat ni Manlalakbay