Patuloy pa rin ang pamamahagi ng relief goods ang Provincial Government of Cagayan sa mga nasalanta ng bagyong Egay.
Umabot sa 1,000 na relief goods ang naipamahagi sa dalawang bayan ng Cagayan nito lang ika-9 ng Agosto taong kasalukuyan.
May kabuuang 500 family food packs na may lamang canned goods at bigas ang naibigay sa bayan ng Sanchez Mira.
Nagtungo ang grupo mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa Barangay Hall ng Nammuac at doon ibinahagi ang mga relief goods.
Maging sa bayan ng Claveria ay nabahagian din ng 500 family food packs na nagmula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga residente na biktima ng nagdaang Super Typhoon.
Partikular na tinungo ng mga kawani ng PSWDO ang Barangay Cadcadir East, Cadcadir West, Taggat Norte, Mabnang, Centro 3, Centro 4 at Kilkiling.
Ang mga ibinahaging mga relief goods ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni PSWD Officer Helen Donato ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at PAGCOR.
Source: Cagayan Provincial Information Office