15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

850 FFPs at 252 Solar Lamps, dinala sa Fuga Island; National Defense Secretary, tiniyak ang maayos na pagsasagawa ng HADR operations

Patuloy ang augmentation support na ginagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 para sa mga biktima ng Bagyong Egay, nasa 850 Family Food Packs (FFPs) at 252 solar lamps ang naipadala sa Fuga Island noong ika-03 ng Agosto 2023.

Tulong-tulong ang mga kawani ng DSWD FO2 katuwang ang kasundaluhan ng 5th Infantry Division, Philippine Marines, Philippine Air Force, Philippine Navy, US Air Force at US Marines na ikarga ang mga FFPs at solar lamps upang agad na ipinadala sa nasabing isla.

Samantala, bumisita rin sa Lal-lo, Cagayan si National Defense Secretary Gilbert Teodoro, Jr. upang personal na masaksihan ang Humanitarian Assistance Disaster Response (HADR) operations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Pinangunahan ng kalihim ang pagpupulong upang talakayin ang datos ng mga disaster response operation na naisagawa sa rehiyon.

Ang DSWD bilang Vice Chair of Response Cluster, ginamit ni Regional Director Lucia Alan ang pagkakataon upang kilalanin at pasalamatan ang mga kinatawan ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) na pinamumunuan ng Office of the Civil Defense (OCD) maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maagap na pagtugon at koordinasyon tuwing disaster operations.

Kasama sa pulong sina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr., Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander LtGen Fernyl Buca, 5th Infantry Division Commander MGen Audrey Pasia, 502nd Infantry Brigade Commander BGen Eugene Mata, Philippine Air Force – Tactical Operations Group 2 Commander Colonel Glenn Piquero, Office of the Civil Defense Regional Director Leon Rafael at DSWD FO2 Regional Director Lucia Alan. Maagap at mapagkalingang serbisyo ang hatid ng kagawaran.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles