Nakapagtapos ang Labinlimang (15) Peoples Deprived of Liberty (PDLs) sa kanilang basic education sa loob ng Ifugao District Jail, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-2 ng Agosto 2023.
Sa labinlimang PDLs na nagmartsa sa Moving-up Ceremony, anim ang nakatanggap ng diploma para sa Grade 6 habang siyam na indibidwal para sa Grade 10.
Samantala, naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita si Gng. Angelina Dalipog, Executive Assistant IV mula sa Office of the Governor ng Ifugao.
Ang kaganapan ay nasaksihan ng mga tauhan ng IDJ, ilang PDLs at mga pamilya ng mga nagsipagtapos.
Kahit sa loob ng reformation facility, ang 15 PDLs ay nagpatuloy ng pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd).
Ito ay kabilang sa inobasyon ng Ifugao District Jail na maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga indibidwal sa loob ng pasilidad.
Ito rin ay patunay na handa ang gobyerno na suportahan ang edukasyon para sa lahat ng may pangarap.