19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Kauna-unahang 4Ps graduation sa Sta Praxedes, isinagawa ng DSWD FO2

Isinagawa ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapunlad Panlipunan ng Rehiyon Dos (DSWD FO2) ang kauna-unahang Pammadayaw Ti Panaggraduar Dagiti Pantawid Pamilya sa bayan ng Sta Praxedes, Cagayan noong ika-03 ng Agosto 2023.

Nasa 20 na pamilya ang nakatanggap ng Certificate of Recognition mula sa kagawaran bilang pagkilala ng kanilang pag-exit mula sa programa.

Ito ay nangangahulugan na nakamit na nila ang self-sufficient level of well-being.

“Ang inyong journey bilang exiting 4Ps households ay parang pagsakay sa bus ng DSWD. Sa inyong pag-graduate, ibababa na kayo ng DSWD sa bus stop. Pero hindi hahayaan ng LGU na kayo ay mapag-iiwanan. Ngayon naman ay lululan kayo sa bus ng LGU upang sa gayon ay magpatuloy ang pag-asenso ng inyong buhay.”

Ito ang pahayag ni Mayor Esterlina Aguinaldo kung saan inihalintulad niya ang tulong na naihatid sa mga benepisyaryo sa paglulan sa sasakyan ng DSWD, gayundin ang sustainability ng pag-agapay ng kanilang lokal na pamahalaan para sa mga graduating 4Ps households.

Kabilang sa mga tulong na ipinapaabot ng pamahalaan ng Sta. Praxedes para sa mga 4Ps ay ang pabahay, pagbibigay ng materyales sa pagkukumpuni ng mga tirahan, livelihood at educational assistance, at iba pang mga interbensyon sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.

Source: DSWD Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles