Nagtungo ang Oplan Tulong sa Barangay team noong Agosto 1, 2023 sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan upang mamahagi ng honoraria sa mga barangay Tanod bilang bahagi ng taunang programang No Barangay Left Behind Program (NBLB) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Kabilang sa mga nabahagian ng tig-Php2,000 honoraria ang mga barangay Tanod mula sa mga bayan ng Alcala, Amulung, Iguig, Peñablanca, Tuao, Solana, at Enrile.
Umabot sa Php4,748,000 ang kabuuang halaga ng naipamahagi ng PGC sa loob ng dalawang araw na pag arangkada ng programa para sa taong 2023.
Nanguna sa nasabing distribusyon ang Provincial Treasury, Provincial Office for People Empowerment (POPE), Provincial Jail, Provincial Consultant, Benjamin Pascual Jr., at mga kinatawan mula sa mga nabanggit na lokal na pamahalaan.
Aasahan namang aarangkada ang kaparehong programa sa mga susunod na araw para maihatid ang programang NBLB sa lahat ng munisipalidad sa lalawigan.
Source: CPIO