15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Basic Sign Language Training, isinagawa sa Bacnotan, La Union

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Basic Sign Language Training bilang pakikiisa sa 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week sa Bacnotan Conference Center nito lamang ika-31 ng Hulyo 2023.

Ang naturang programa ay nakapaloob sa temang, “Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan.”

“Maganda ang programang ito para maging mas inclusive tayo, kami sa LGU para sa mga kliyente at kayo p’wede niyo ito magamit sa inyong mga barangay, we will also ensure na hindi ito one-time big time na activity,” ani Mayor Divine Fontanilla.

Nakilahok sa naturang aktibidad ang ilang kawani ng lokal na pamahalaan, child development workers at presidente ng persons with disabilities sa mga barangay.

Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe sina Vice Mayor Francis Fontanilla at Sangguniang Bayan Member Jane Gonzales.

Pinangunahan ni Dr. Mark Anthony Inocencio, Persons with Disabilities Affairs Officer ng siyudad ng San Fernando, ang pagtuturo ng Basic Sign Language.

Samantala, patuloy pa din ang lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan may layunin itong linangin pa ang kaalaman ng kanilang nasasakupan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles