18.7 C
Baguio City
Tuesday, November 26, 2024
spot_img

Pangulong “Bongbong” Marcos, dumalaw at nagbigay ng tulong sa mga nasalanta sa Abra

Dumalaw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., upang personal na suriin ang sitwasyon at namahagi ng relief assistance sa mga nasalanta ng bagyong “Egay” sa lalawigan ng Abra nito lamang ika-29 ng Hulyo 2023.

Kasama ni Pangulong Bongbong Marcos sina Senador Imee Marcos at DSWD Secretary Rex Gatchalian na dumalaw at nagpaabot ng tulong sa nasalanta ng bagyo.

Sa situation briefing, tinalakay ng Pangulong Marcos ang mga agarang pangangailangan at agarang aksyon para sa Cordillera kasama ang mga lokal na opisyal sa pangunguna nina Abra Congresswoman Ching Bernos, Abra Governor Dominic Valera, Benguet Governor Melchor Diclas, Mountain Province Governor Bonifacio Lacwasan Jr., LMP National President Mayor JB Bernos, at National Line Agency Heads.

Sinuri din ang kalagayan ng mga pamilyang apektado, pinsala sa iba’t ibang sektor, pinsala sa agrikultura, at iba pang pinsala ng Super Typhoon Egay sa rehiyon.

Batay sa pinakahuling ulat, 68,910 pamilya ang apektado ng bagyo, apat ang kumpirmadong namatay, apat ang nasugatan, at isa ang nawawala.

May kabuuang 3,397 bahay ang bahagyang nasira habang 157 ang ganap na nasira. Tinatayang 4,613 ektarya ng mga rice farm lands ang nasira habang nasa 2,000 magsasaka ng palay ang naapektuhan.

Nawasak din ang kabuuang 2,743 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura na natamnan ng iba pang pananim gaya ng mais, gulay, kape, at mga puno ng prutas.

Patuloy ang pamahalaan sa pamimigay ng agarang tulong kaagapay ang iba’t ibang kawani ng gobyerno upang tulong tulong ang bawat mamamayan sa pagbangon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles