16.2 C
Baguio City
Wednesday, November 27, 2024
spot_img

102 pamilya sa Apayao inilikas dahil sa Bagyong Egay

Inilikas ang nasa 102 pamilya sa iba’t ibang evacuation centers sa Apayao nito lamang umaga ng Hulyo 26, 2023.

Batay sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), tinatayang 375 na indibidwal o katumbas ng 102 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo na mula sa 12 barangay o 4 na munisipalidad ang kanilang naitala.

Ayon pa sa PSWDO, ang munisipalidad ng Calanasan ay mayroong pinakamataas ng bilang ng pamilya ang labis na naapektuhan kung saan 35 na pamilya o 131 na indibidwal ang nailikas.

Gayundin sa Luna, 27 na pamilya o 106 na indibidwal, sa Conner naman ay 23 na pamilya o 78 na indibidwal at Pudtol na may 17 na pamilya o 60 indibidwal.

Dagdag pa rito ang 39 na indibidwal mula sa Calanasan at Kabugao na-stranded dahil sa pagdalo ng selebrasyon ng National Disaster Risk Resilience Month.

Samantala, naitala din ng PSWDO ang 2 kabahayan na partially damage mula sa Brgy. San Isidro Sur, Luna, Apayao.

Nakapamahagi naman ang mga tauhan ng PSWDO ng mga food packs, hygiene kits, sleeping kits at food items sa bawat pamilyang inilikas sa mga evacuation center.

Inatasan naman ni Gov. Elias C Bulut Jr. ang PDRRMO, PSWDO at LGU ang mabilis na aksyon sa mga residenteng kailangang ilikas o tulungan upang walang maitalang nasawi sa paghagupit ng bagyo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles