21.4 C
Baguio City
Thursday, November 28, 2024
spot_img

MDRRMC ng Bacnotan, La Union, nagtipon para sa posibleng epekto ng Bagyong Egay

Nagtipon ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng Bacnotan, La Union nito lamang ika-22 ng Hulyo 2023 upang magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment sa posibleng epekto ng Bagyong Egay na tinatayang lalakas pa sa mga susunod na araw.

Kinatawanan ni Vice Mayor Francis Fontanilla si Mayor Divine Fontanilla sa isinagawang pagpupulong na pinangasiwaan ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Romel Montipalco, kasama ang Department of Interior and Local Government, Bacnotan PNP at Fire Station.

Nakaalerto at nakoordina na rin ang bawat barangay sa bayan ng Bacnotan upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa bagyo.

Samantala, nagsasagawa na rin ng paghahanda sa iba’t ibang response resources ang munisipyo.

Bago pa ang assessment, patuloy na rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang barangay upang maihanda ang kanilang pamayanan.

Bukod dito, patuloy pa din naman ang Lokal na Pamahalaan ng Bacnotan, La Union sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad kung saan prayoridad ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.

Source: Bacnotan, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles