Nagsagawa ng Training on Basic Entrepreneurship and Marketing ang DOLE sa mga benepisyaryo ng Integrated Livelihood Program (DILP) at Food Terminal nitong Hulyo 18, 2023 sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City, Pangasinan.
Naging panauhing pandangal sa naturang aktibidad si Dr. Charlaine Lopez ng PSU Alaminos City Campus, College Dean of Management and Technology at tinalakay ang kahalagahan ng Basic Entrepreneurship and Marketing.
Nagpasalamat naman si Mayor Arth Bryan C. Celeste sa City Cooperatives Office at Department of Labor and Employment (DOLE-WPFO) sa kanilang isinagawang pagsasanay.
Sa pamamagitan ng naturang training ay matutulungan ang mga kalahok na magkaroon ng pagkakakitaan kasabay ang pagkakaroon ng dagdag kaalaman at kasanayan sa makabagong pamamaraan ng pagbebenta na makakatulong sa pag-uumpisa ng kanilang kabuhayan para sa kanilang pamilya.
Source: Alaminos LGU
Panulat ni Manlalakbay