Nakatanggap ang apat na dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nabigyan ng cash assistance na ginanap sa Provincial Capitol sa Bangued, Abra nito lamang Hulyo 5, 2023.
Ang bawat isang Former Rebel ay nakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng Php15,000 sa pangunguna ni Governor Dominic Valera mula sa Brgy. Taripan, Malibcong; Brgy. Buneg, Lacub; Brgy. Buanao, Malibcong; at Brgy. Lingtang, Bangued.
Bukod pa rito, makakatanggap din sila ng kabayaran para sa bawat armas na kanilang isinuko depende sa klasipikasyon, modelo, at kondisyon nito.
Samantala, bibigyan din sila ng pagkakataon na lumahok sa mga libreng kasanayan at livelihood training na handog ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na nagbibigay-daan sa kanila para makakuha ng mga trabaho at oportunidad sa negosyo.
“Gamitin ninyo ng maayos ang mga assistance na ito para magkaroon kayo ng mapayapang pamumuhay. We hope na hindi na kayo babalik sa mga pinanggalingan ninyo,” saad ni Governor Valera.