19.2 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

KALAHI-CIDSS, isinagawa sa Vigan City, Ilocos Sur

Ilocos Sur – Nagsagawa ng Kapit-bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash-For-Work (KKB-CFW) ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa Vigan City, Ilocos Sur nito lamang Martes, ika-04 ng Hulyo 2023.

Ang aktibidad ay naglalayong mapaigting ang kanilang kaalaman sa mga prosesong pinansiyal gamit ang Community-Driven Development (CDD) approach, isang stratehiya nang programang KALAHI-CIDSS. Ito din ay may hangaring maipalaganap ang prinsipyo ng ‘Transparency’ sa pagsasagawa ng mga proyekto tungo sa tama at wastong pagsunod sa mga proseso, at mga naaayon at kinakailangang form at dokumento.

Nasa 31 sa 39 na barangays ang nagsanay sa Vigan Conservation Complex.

Ang Vigan City ay isa lamang sa 15 na lungsod at bayan sa Rehiyon 1 na mabebenepisyuhan ng programang KALAHI-CIDSS KKB-CFW at aabot sa mahigit 6,700 na indibidwal ang benepisyaryo nito.

Hindi titigil ang DSWD Field Office 1 sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles