Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan sa pangunguna ni Mayor Divine Fontanilla, katuwang ang Rotary Club of San Fernando City North na pinapangunahan naman ni President Reynaldo Littaua sa Sitio Poser, Brgy. Arosip, Bacnotan, La Union nito lamang ika-1 ng Hulyo 2023.
Naitanim ng mga nakiisa sa pagtatanim sa kabundukang bahagi ng Bacnotan ang mga punla ng calamansi, mangga, at rambutan.
Bukod sa alkalde ng bayan, pangulo at miyembro ng nasabing organisasyon ay lumahok din sa programa si Municipal Agriculturist at Municipal Environment and Natural Resources Officer-designate Dr. Divina Apigo, Arosip Barangay Council sa pangunguna ni Barangay Captain Ferlyn Santiago, Bacnotan Police, at Fire Station.
Ang naturang inisyatibo ay bahagi ng kulminasyon ng Philippine Environment Month tuwing Hunyo.
Samantala, patuloy pa din naman ang mga namumuno sa munisipalidad ng Bacnotan sa pagsasaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan mapapangalagaan nila ang kanilang nasasakupan.
Source: Bacnotan, La Union