Nagkaisa ang bawat miyembro ng iba’t ibang kawani ng gobyerno at pribadong sector sa pamamagitan ng Mangrove Planting Activity sa Triboa Bay Mangrove Park, Subic Bay Freeport Zone, Olongapo City.
Pinangunahan ito ng Rotary Club, SBMA Ecology Center, Asian Vision, Philippine Coast Guard, Batang Gapo at Olongapo City PNP.
Nagtanim ang bawat isa ng bakawan na may layunin na maprotektahan at mapagyaman ang likas na yamang dagat.
Kaya naman ang mga bakawan ang nagsisilbing tirahan ng mga isda na isang yamang dagat at napapanatili nito ang malinis na kalidad ng tubig ng ating karagatan.