Halos 1,000 na residente sa bayan ng Baggao, Cagayan ang naabutan ng libreng basic social services ng Municipal Task Force-End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) at Lokal na Pamahalaan ng Baggao.
Ginanap ang Serbisyo Caravan noong ika-30 ng Hunyo 2023 sa Barangay Carupian, Baggao, Cagayan.
Naging katuwang sa naturang aktibidad ang 77th Infantry Battalion, CAFGU Active Auxiliary, 1365th Dental Detachment at PNP.
Umabot sa 127 na indibidwal ang nabigyan ng libreng medical consultation at mga karampatang gamot at bitamina, 93 naman ang nabenepisyuhan sa libreng dental check-up at tooth extraction, habang mayroong 45 binata ang nagpatuli, at 73 ang nagpagupit ng libre.
Maliban dito, 388 pamilya ang nakatanggap ng kanilang tig-limang kilo ng bigas, 150 naman na indibidwal ang nakatanggap ng seedlings, 50 ang nabigyan ng hygiene kit at 230 na bata ang patuloy na sumasailalim sa feeding program.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga residente sa kanilang natanggap na libreng serbisyo.
Ang Barangay Carupian sa bayan ng Baggao ay dating pinamumugaran ng komunistang teroristang grupo na kung saan naging pokus ito ng Community Support Program ng 77IB.
Sa tulong na rin ng Lokal na Pamahalaan at iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, naideklarang insurgency-cleared ang barangay Carupian.
Source: 5ID Startroopers, Philippine Army