Pinangunahan ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos ang pamamahagi ng Seed Capital Fund sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa tatlong SLP Associations mula sa Tuguegarao City, Cagagan noong ika-27 ng Hunyo 2023.
Katuwang ang lokal na pamahalaan ng Tuguegarao sa pamumuno ni Mayor Maila Rosario Ting-Que sa pamamahagi ng nasabing tulong pangkabuhayan na may kabuuang halaga na Php270,000 kalakip ang mga certificates of accreditation para sa mga nasabing SLPAs.
Ang SLP ay isa sa programa ng DSWD na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga tulong na may kaugnayan sa serbisyo na pagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at karanasan ng mga kalahok tungo sa mas kapaki-pakinabang sa negosyo at trabaho.