16 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Pulis mula Cordillera nasawi sa engkwentro sa Sulu

Nagbuwis buhay ang isang Cordilleran sa sagupaan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at armadong grupo ng dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan sa Brgy. Bualo Lipid, Maimbung, Sulu nito lamang Sabado, Hunyo 24, 2023.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Regime Lachica Gacod, miyembro ng 7th Special Action Battalion (7SAB) ng PNP Special Action force (SAF), tubong Kapangan, Benguet at San Gabriel, La Union habang sugatan naman ang 13 pang pulis at isang sundalo.

Batay sa ulat, nagsimula ang labanan bandang alas-7 ng umaga nitong Sabado nang magtangka ang mga pulis sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sulu Provincial Field Unit (PFU), kasama ang Special Action Force (SAF) at mga sundalo ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army, na magsilbi ng warrant laban kay Mudjasan.

Ipinaabot naman ni Police General Benjamin Acorda Jr., Chief Philippine National Police ang kanyang pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng nasawing pulis kasabay ng pagtiyak ng tulong medikal at pinansyal sa lahat ng sugatang pulis.

Tinitiyak din na patuloy ang buong hanay ng PNP sa pagtugis sa mga responsable sa pagkamatay ni Pat Gacod at ng mga nasugatan sa nasabing engkwentro.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles