15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Environmental Awareness Month ginunita ng mga Cagayano sa pamamagitan ng Synchronized Clean-up Drive

Nagsagawa ng Synchronized Coastal Clean-Up Drive sa pangunguna ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) noong Biyernes, Hunyo 23, 2023 sa dalampasigan ng mga bayan ng Buguey, Aparri, Gonzaga, Claveria, Sta. Ana, Ballesteros, Pamplona, Abulug, at Sanchez Mira.

Nakiisa ang 1,210 indibidwal sa naturang aktibidad na kinabibilangan ng mga empleyado ng bawat Lokal na Pamahalaan, mga kinatawan mula sa National Government Agency (NGA), Non-governmental organization (NGO), Barangay officials ng bawat bayan maging ang ilang mga residente, mangingisda, kinatawan mula sa PNP, BFP, Philippine Army, at Philippine Coast Guard.

Layunin ng aktibidad na ipalaganap sa mga Cagayano lalo na ang mga beach goer at mga residente ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ‘garbage free’ ng mga dalampasigan upang maprotektahan din ang mga yamang dagat.

Nasa mahigit dalawang tonelada lamang ang napulot na basura sa siyam na bayan at kakaunti lamang ito kumpara sa nakalipas na taon na mahigit dalawang tonelada ang nakolektang basura sa iisang bayan lamang. Patunay lamang ito na unti-unti nang namumulat ang mga tao sa kahalagahan ng ‘proper disposal of waste’.

Ang Synchronized Coastal Clean-Up Drive ay bahagi ng selebrasyon ng Environmental Awareness Month ngayong Hunyo at bahagi rin ng nagpapatuloy na selebrasyon sa ika-440 Aggao nac Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles