14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

3 Araw na Mining Exhibit ng MGB R02, binuksan na

Pormal ng binuksan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 02 ang tatlong araw na “Mining Exhibit” sa Robinsons Place Tuguegarao simula ngayong Biyernes, ika-23 ng Hunyo 2023.

Ayon kay Engr. Mario Ancheta, Regional Director ng MGB R02, ang pagbubukas ng exhibit ay naglalayong maipakita ang mga best practice ng mga mining companies sa rehiyon.

Aniya, importante na malaman ng publiko ang nangyayari sa mga minahan sa rehiyon para matanggal at maitama ang maling pananaw ng publiko kaugnay sa pagmimina.

Inihayag din ni Engr. Rommel Amogan, Chief, Mine Safety, Environment, and Social Development Division (MSESDD) ng MGB R02, kailangan na maipaliwanag sa publiko ang kahalagahan ng mga mining company kung kaya’t ginawa ang naturang aktibidad.

Makikita sa naturang exhibit ang mga best practice ng mga mining company sa rehiyon kasama na ang Oceana Gold Didipio Mine Philippines, FCF Minerals Corporation, Dinapigue Mining Corporation (DMC), at JDVC Resources Corporation.

Samantala, sinaksihan din ng iba’t ibang ahensya ang naturang aktibidad na kinabibilangan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2, Department of Interior and Local Goverment R02, Department of Labor and Employment R02, Commission on Human Rights , National Economic and Development Authority , Department of Education at National Commision on Indigeneous Peoples.

Kaugnay rito, inaanyayahan ng MGB R02 ang publiko na bisitahin ang kanilang booth sa Robinsons Place Tuguegarao na magtatagal hanggang sa Hunyo 25, 2023.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles