Nag-enjoy sa pagtatanim ng mangrove propagules at namangha sa ganda ng Bued Mangrove Forest Park (BMFP) ang mga DepEd Region 1 officials, SDO personnel, advisers at campus journalists na kasali sa Region 1 Schools Press Conference, nature photography, at eco-walk nito lamang ika -20 Hunyo 2023.
Nadagdagan din ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng massive tree planting activities at sustainable mangrove protection program ito ay para tugunan ang mga environmental problems at ihanda ang ating kapaligiran para sa ating mga kabataan at sa kinabukasan.
Pinangunahan ni City Schools Division Superintendent Dr. Vivian Luz S. Pagatpatan ang aktibidad sa Mangrove Propagation & Information Center at sa malawak na eco-park ng lungsod.
Isinusulong din ni Dr. Pagatpatan ang pagtatanim ng mga bakawan at forest trees na magiging regular na aktibidad hindi lamang ng DepEd Alaminos City Division kundi maging sa mga DepEd officials at delegado at bisita sa lungsod sa tuwing gaganapin ang mga regional and national academic competitions, sporting events at conventions sa lungsod ng Alaminos sa hinaharap. Ito ay magiging bahagi ng kanilang commitment at contribution sa national greening program at climate change mitigation initiatives ng ating national government.
Source: LGU Alaminos
Panulat ni manlalakbay