Nasa 40 na kababaihan mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Sison ang tuturuan ng basic dressmaking at tailoring na nagsimula nitong Lunes, ika-19 ng Hunyo hanggang Biyernes, ika-30 ng Hunyo 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pangasinan Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Technical Education Skills (TESDA) Pangasinan.
Ang Basic Dressmaking and Tailoring Training ay isa lamang sa mga kurso na napapaloob sa Community-Based Skills Training Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa liderato ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III.
Maliban sa pagsasanay, nabigyan din ang mga kalahok ng pinansyal na tulong na Php2,000 upang magamit sa pagkuha ng pre-employment requirement.
Hindi titigil ang Pamahalaan ng Panlalawigan ng Pangasinan sa patuloy na pagbibigay malasakit at buong pusong serbisyo sa kanilang kababayan at bayan ng Sison.